"Tayo’y maging katulad ni Elizabeth, na nagkaroon ng pananampalataya kahit na sa harap ng problema."
"Tayo’y maging katulad ni Elizabeth, na nagkaroon ng pananampalataya kahit na sa harap ng mga batikos at hindi pagkakaunawaan."
-Sem. Ben Jairo Maralit
December 23, 2021 Ika-siyam na Araw ng Simbang Gabi
Nang dumating ang oras ng panganganak ni Elizabeth, nanganak siya ng isang lalaki. Ipinahayag sa kanila na dapat nilang tawagan ang bata na Juan kahit Walang mga kamag-anak ang may ganitong pangalan. Ang pangalang Juan sa Hebreo ay nangangahulugang ‘Ang Panginoon ay mapagbiyaya’. Ipinakita niya ang kanyang kabaitan kina Elizabeth at Zacarias na matupad ang kanilang pagnanais na magkaroon ng anak.
Tayo’y maging katulad ni Elizabeth, na nagkaroon ng pananampalataya kahit na sa harap ng mga batikos at hindi pagkakaunawaan ng kanilang mga kamag-anak at kapitbahay. Hindi lamang sa mga kamag-anak at kapitbahay dapat sa kung anumang itapon na nagbibigay dusa at hirap sa ating buhay dapat tayo’y magkaroon ng pananampalataya sa panginoon.
