Search

"Tanggapin ang lahat ng mga pagsubok na walang pagdududa at papahalagahan ito ng buong puso."

"Maging katulad tayo ni Elisabet na kayang tanggapin ang lahat ng mga pagsubok na walang pagdududa at papahalagahan ito ng buong puso at kaluluwa."

-Sem. Jhon Dominique C Ebora

December 21, 2021 Ika-pitong Araw ng Simbang Gabi


Maghatid & Magpahalaga


Ngayong panahon ng pandemya maging katulad tayo ni Maria na kahit siya ay nagdadalang tao ay kanyang ipinamalita ang sinabi ng Panginoon sa kanya, at ni Elisabet na marunong magpahalaga sa mga nangyayari at sino ang nandoon. Ibahagi natin sa lahat ang balita na ating naririnig o nababasa katulad ni Maria na gagawin ang lahat para malaman ng kanyang pinsan na si Elisabet. Nalalapit na ang araw ng pasko dapat natin pahalagahan kung sino ang isinilang sa araw na iyon at kung ano ang mangyayari. Maging katulad tayo ni Elisabet na kayang tanggapin ang lahat ng mga nangyayari na hindi magdududa at papahalagahan ito ng buong puso at kaluluwa.




6 views0 comments