Search

"Lahat tayo ay madaming hinihiling ngunit May mga bagay na nararapat sa atin..."

"Lahat tayo ay madaming hinihiling ngunit May mga bagay na nararapat sa atin at may mga bagay na nararapat sa iba." -Sem.Aeron Joseph T. Villones

OKTUBRE 17, 2021 Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon

Paghiling

Sa ating ebanghelyo ngayon ay tinuturo sa ating liturhiya kung paano natin tatanggapin at pagninilayan ang pananampalataya sa Diyos bilang tayong mga anak nya at mga kapatid.

Ang Ebanghelyo ngayong araw na ito ay ang isang paghiling ng magkapatid at mga anak na sina Santiago at Juan na kung pwde silang makaupo sa kanan at kaliwa ni Kristo. Sila ay tinanong ni Hesus kung iinom sila sa kalis ng paghihirap, ang tugon nila ay Oo. Kaya nakita ni Hesus sa kanilang dalwa ang kanilang kakayahang gawin ang dalawang bagay na iyon, subalit hindi basta-basta ang kanilang hinihiling. Kundi ito ay para sa mga taong inihanda ang mga pwestong iyon. At nang narinig ng Sampung Apostol ay sila ay nagalit sa dalawang magkapatid. Kaya tinawag silang lahat ni Hesus upang magusap usap at sinabi na ang mga nakakataas na pinuno ng mundo ay nagpapamalas ng kanilang awtoridad, Subalit hindi ito ang pamantayan ni Hesus.

Sa ating buhay ay ito ay pinagdadaanan natin ang humiling. ito ay ang paghiling ng ating mga gusto sa buhay. Tayo ay nahiling sa ating nga magulang ng ating mga gustong bilhin na mga bagay bagay sa paligid. Subiy minsan ay hindi na susunod ang ating mga kahilingan kaya mas pinipili nalang natin na wag ipilit ang hiling sa ating mga magulang para sa ikabubuti natin. Kaya kung hihiling tayo ay ung madali lang na gawain o mga bagay na madaling ibigay sa atin.



6 views0 comments