Search

“Ang tunay na dakila ay ang tao na may kababaang loob, at handang magsisilbi at hindi pagsilbihan.”

Updated: Sep 20, 2021

“Ang tunay na dakila ay ang tao na may kababaang loob, at handang magsisilbi at hindi pagsilbihan.”

-Sem. Luis Emmanuel P. Chavez


Setyembre 19, 2021 Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon

Marcos 9, 30-37


KABABAANG LOOB


Sa Ebanghelyo natin para sa linggo na ito ay pinagtatalunan ng kanyang mga alagad kung sino nga ba ang pinaka dakila, Pero ayon kay Hesus ang sinumang gusto maging una ay dapat maging huli sa lahat.


Sa ating buhay inaakala natin na ang dakila ay ang mga nakakataas sa atin at yun ay ang mga mayayaman, ang pinaka-sikat. Inaasam din natin na mapunta sa taas o maabot ang tuktok ng mga pangarap natin sapagkat yun ang inaakala natin na kadakilaan. Pero ang tunay na dakila ay ang tao na may kababaang loob, at handang magsisilbi at hindi pagsilbihan. Nais ni Hesus na magkaroon tayo ng puso ng isang bata na inosente, malinis at may kabababaang loob. Inaanyayahan tayong lahat ni Jesus na magpakumbaba kahit na tayo ay natutukso na mag-yabang sa iba’t-ibang bagay. Ang tunay na dakila ay ang mga gumagawa ng mabuting bagay at nag lilingkod sa Panginoon kahit walang nakakakita o walang nakukuhang kapalit.


Madalas sa ating buhay ay mahilig tayo mag project ng ating mga kalakasan at ipagyabang ito, pero hindi ito mahalaga para kay God ang mahalga para sakanya ay ang child-like humility at goodness na ipinapakita natin sa pagsunod sakanya.


16 views0 comments