“Ang taong tumutugon ay nakakamit ang kapayapaan at buhay na walang hanggan” - Sem.Jhonpaul Mostajo
OKTUBRE 10, 2021 Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon
Pag Tugon
Ang Pag Tugon ay Nagiging simbolo ito upang makamit ang inaasam sa buhay. At ito ay isang paraan para tayo ay mapabuti.
Sa ating ebanghelyo, ipinahahayag sa atin ng panginoon na ang pag tugon o pagsunod sa kanya ay nakakamit natin ang kapayapaan. At ihahalintulad ko ito sa unang utos ng Diyos at ito ay “Ibigin mo ang Diyos nang lalo at higit sa lahat” sa unang utos ng diyos ay sinasabi dito Ang Diyos na siyang bukal ng lahat ng katotohanan na ang lahat ng katarungan at ng lahat ng lakas, at ng kaniyang karangal ay magbubunsod sa iyo na maging matapat, makatwiran masipag at higit sa lahat ay may pagmamahal sa diyos.
Ang pagsunod ay nagiging simbolo na ang ating pananampalataya ay matatag, parang pagpasok lang iyan sa seminaryo, ako’y tumugon sa tawag ng diyos at iniwan ko ang mga maka mundong bagay dahil sa pag-ibig at pananalig ko sa kanya.
Sa ating buhay ay madalas tayong nagsasakripisyo dahil nadin sa pagsunod: halimbawa ito ay patungkol sa pag-ibig. Sa pag ibig handa natin iwan ang lahat kahit na masakit ito para satin. Pero wala tayong ibang gagawin kundi piliin kung ano ang tama at sundin ang mga bagay na nararapat para sa ikabubuti natin at ng lahat.
Comments