- Sem. Kobe Jhon Albelar OKTUBRE 3, 2021 Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (
Pangako
Sa kasal nagmumula ang pag-ibig at buhay at ito'y isang paraan upang ang pag ibig na ito ay madama din ng kanilang mga magiging anak.
Sa atin ebanghelyo, ipalinapahayag sa atin ng Panginoon na ang kagandahan ng pag-aasawa ay ang kagandahan ng paglikha at ang ganda ng pag-ibig. Ang kasal ay isang tipan at hindi lamang isang kontrata na ginawa ng Diyos upang pag tibayin ang pag-iibigan ng lalaki at babae. Kung sila ay maging mga magulang sa hinaharap, obligasyon nilang palakihin ang kanilang mga anak upang maging mga mamamayan ng langit.
Walang pagtakas sa pag-aasawa at dapat na iwaksi ng mag-asawa ang pagtakas sa kanilang isipan at magbigay ng buong pansin para sa tagumpay sa kanilang pag-aasawa. Ang pag-aasawa ay salamin ng pag-ibig ni Cristo sa simbahan.
Ang Pag-aasawa ay isa lamang sa tatlong pagtawag ng Dios sa atin, Ang pagpapari at ang hindi pag-aasawa. Lahat ng ito'y biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa atin na dapat nating pangalagaan. Sa lahat ng ng pagtawag ng Dios sa atin kung anong estado ng buhay ang ating tatahakin, tayong lahat ay tinawag na magmahal at dapat mahalin. Kagaya ni Kristo, ang kaniyang pag-ibig ay kanyang ipinamalas kahit na sa punto ng kanyang paghihirap at sa bingit kamatayan.
Sa pag-aasawa, dapat sikapin ang mahalin ang isat-isa at hindi ang isa pa.
Comments