top of page
Search

"Ang Pagkilala,Pagtitiwala, at Pagsasakripisyo sa Diyos makakamit ang buhay na walang hanggan."

Updated: Sep 20, 2021

"Ang Pagkilala,Pagtitiwala, at Pagsasakripisyo sa Diyos makakamit ang buhay na walang hanggan."

-Sem. Yvan Gille D. Caranadang


Setyembre 12, 2021 Ika-Dalawampu't Apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

Marcos 8, 27-35


Pagkilala. Pagtitiwala. Pagsasakripisyo


Sino ba si Hesus para sayo?


Isa ito sa mga naging tanong ni Hesus sa kanyang mga alagad sa ebanghelyo ngayong araw. Makikita din natin ang pag-amin ni Pedro na si Hesus ang Mesias at totoong anak ng Diyos. Nararanasan natin ngayon sa ating buhay ang pagsubok na nakaka lugmok kung isipin: pandemya, na dahil dito ang ilan sa atin unti-unting napapalayo kay Hesus at unti-unting din nating nakakalimutan kung sino si ba Hesus sa ating buhay. Mahalaga sa ating pagiging mananampalataya na malaman ang relasyon o kung sino ba si Hesus sa ating buhay siya man ay ating kuya, tagapagligtas, panginoon, kapatid, si bro, oh sino paman dahil ang pagkilala kay Hesus ay ang pananampalataya sa kanya, ang pagkilala kay Hesus ay ang pagkilala sa Diyos, at sa pagkilala nagsisimula ng pagmamahal.


Mababasa din natin sa sumunod na bahagi ng ebanghelyo na ipinahayag ni Hesus sa kanyang mga alagad na siya ay magdadanas hirap, pagka takwil, sakit, at kamatayan. Pinagsabihan siya ni Pedro ng dahil dito, ngunit sinabihan sya ni Hesus “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo’y hindi sa Diyos kundi sa tao.” Marahil may mga pagkakataon o pangyayari sa ating buhay na hindi natin lubos maintindihan o matanggap tulad na lamang ni Pedro nang marinig nya na ang Panginoong mahal nya ay maghihirap at mamamatay, tulad na lang din ng mga sumalangit nating mga mahal sa buhay, mga paghihirap na dinanas, pagsubok na di mawala-wala, at iba pa. Tandaan natin na ang lahat ng ito ay may dahilan na patungo sa plano ng Diyos para sa atin; si Hesus ay magdadanas ng hirap at kamatayan para matubos at iligtas si Pedro at ang sangkatauhan sa mga kasalanan, ganun din sa atin lahat ng mga pangyayari o nararanasan natin sa buhay ay may patutunguhan, ito mang mga karanasan na ito ay dahil sa kasakiman ng ibang tao o moral evil kung tawagin ay meron pa ring patutunguhan dahil God always know how to derive good from it. Totoo na di natin kayang malaman ng buo kung anong nasa isip ng Diyos at bakit ang lahat ng ito ay dapat mangyari, kaya manatili tayong manampalataya sa kanya dahil ang lahat ng ito ay para sa ikabubuti ng lahat.


Sa huling parte ng ebanghelyo ay mababasa natin ang sinabi ni Hesus “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Mabuting Balita ay siyang magkakamit niyon.” Alam natin na ang krus ay ang simbolo ng kamatayan, sa ebanghelyong ito ay itinuturo sa atin ni Hesus na let us be willing to die in order to follow him o mas kilala sa tawag na Dying to Self. Ang Dying to Self ay buong loob na pagsuko sa kanya, pagsuko ng ating mga kagustuhan, kayamanan, plano, at iba pa at hayaan na ang kagustuhan ng Diyos ang mangyari sa ating buhay. May mga ginugusto tayong makamit at makamtan sa buhay ngunit di natin alam kung anong maidudulot satin matapos natin iyon makamit. Merong mas magandang plano ng Diyos para sa atin at alam niya na ito ang mas makakabuti. Ang pagsunod sa kanya ay kaakibat ng ating pagsasakripisyo, dahil sa kanya tayo maliligtas at makakamit ang pang walang hanggang buhay. Siya ang Diyos na totoo na nagligtas satin laban sa kasalanan at patungo sa kanya tayo ay magiging tunay na maligaya. Surrendering to him for the promise of the new life.


Ang ebanghelyo ngayong araw ay ipinapaalalahanan tayo na ang pagkilala, pagtitiwala, at pagsasakripisyo sa Diyos makakamit ang buhay na walang hanggan. Amen




79 views0 comments